Dilaw [o isang gabi sa may inuman]

Sa gabing ito nilatag natin sa lamesang matubig—
(sa pagpasok ng mga basong
punong-puno ng yelo)—

Ang mga alaala habang iniinom ang mapait
na serbesa at kung ano-ano pang saysay
ng mga kwentong hindi masabi-sabi.

[Pakinggan ang pagbigkas ng mga pangalan na tila
pinag-iingatan pa—parang panalangin,
o mantra—

ingatan, ibulong  mo na lang
para hindi mapunit ang imahen]

 

Dilaw ang kulay
ng ilaw, na binabasag
ng mga gamo-gamong

iniiwasan lang ang usok
ng yosing nakasabit
sa aking mga daliri.

 

Dilaw ang kulay ng pait,
ng ating serbesa na tila
tumatamis sa paglipas—

ng nagmamadaling panahon
(tagay, sige, shot)
at lalong tumatamis

pa sa pagdating ng pait
ng mga bagong alaala.

 

Dilaw ang kulay ng pagkawasak
ng sarili dahil sa pagsugal
sa isang laro na ang pinupusta

 

 

ay ang puso.

 

 

Dilaw ang kulay

 

 

 

 

ng paglimot.

 

 

 

[Salvosa 2011, Third Draft]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s